Reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa .60 ayon sa Octa Research Team
By Julius Gonzales - October 14, 2021 , 9:59 pm

Bumaba pa ang bilis ng hawaan o reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research, nasa .60 ang reproduction number sa Metro Manila.

Mas mababa ito kumpara sa .61 noong nakaraang October 11.

Bumaba rin sa 1,847 ang 7-day average ng mga bagong kaso ng COVID-19, na mas mababa ng 30% kumpara sa nakalipas na linggo.

Ang positivity rate o antas ng mga nagpositibo ay nasa 11% na lamang, habang ang health care utilization rate ay nasa 49%.

Sa ngayon ay nasa moderate risk na ang lahat ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila base sa ginamit na criteria o sukatan ng Octa Research Group.

YOU MIGHT ALSO LIKE