Residential area sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, nasunog
By Hajji Kaamiño - February 18, 2020 , 10:54 am

Sumiklab ang isang sunog sa residential area sa bahagi ng Lawton Avenue, Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City.

PANOORIN | Nasusunog ang isang residential area sa bahagi ng Lawton Avenue, Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City.

PANOORIN | Nasusunog ang isang residential area sa bahagi ng Lawton Avenue, Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City. | via Hajji KaamiñoVideo : Riza Carina

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, February 17, 2020

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog kaninang 7:40 AM na umabot sa ikalawang alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy sa hilera ng mga bahay na gawa sa light materials, kaya nadamay rin ang ilang katabing commercial establishments.

Agad na naapula ng mga bumbero ang sunog at nagdeklara ng fire out pasado 8:31 AM.

Walang residenteng nasaktan sa sunog dahil mabilis silang nakalikas, ngunit wala na silang nasalbang mga gamit maliban sa ilang pirasong damit.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

YOU MIGHT ALSO LIKE