!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sec. Duque, mananatili sa pwesto sa gitna nang panawagan na mag-resign
By Racquel Bayan - May 22, 2020 , 10:53 pm

Mananatili sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng mga panawagan ng pagbibitiw nito.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod na rin ng inaning batikos ng health secretary matapos sabihin na nasa second wave na ng COVID-19 outbreak ang bansa.

Ayon kay Secretary Roque, patuloy na tinatamasa ng health secretary ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mismog salita ni Secretary Roque, “Secretary Francisco Duque III serves at the pleasure of the appointing authority, President Rodrigo Roa Duterte, in this challenging time.”

Sasagutin naman aniya ni Secretary Duque ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya sa proper forum.

Sa kasalukuyan, hayaan na muna aniyang gawin ng health secretary ang kaniyang trabaho, sa gitna ng global health emergency.

Dagdag pa ni Duque, “Secretary Duque will answer allegations in the proper forum but for now, let us allow him to do his job during this global health emergency.”

YOU MIGHT ALSO LIKE