!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sec. Panelo, aminadong nahirapan sa pagko-commute
By Alvin Baltazar - October 11, 2019 , 9:51 am

Inamin ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na nahirapan siya sa ginawa niyang pagko-commute mula sa kanyang bahay patungo sa kanyang tanggapan sa Malacañang.

Sa ambush interview sa opisyal pagdating niya ng New Executive Building, sinabi ni Panelo, na hindi naging madali sa kanya ang pagsakay ng apat na ulit sa pampasaherong jeepney at pag-angkas sa motorsiklo sa kanto ng J.P. Laurel.

PANOORIN | Sec. Salvador Panelo, pinagkaguluhan ng media, sumakay na lamang ng motor.

PANOORIN | Sec. Salvador Panelo, pinagkaguluhan ng media, sumakay na lamang ng motor. | via Lorenz Francis D. Tanjoco

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, 10 October 2019

Sa gitna nito ay iginiit ni Panelo, na walang krisis sa transportasyon gayung nakarating naman siya sa kanyang destinasyon.

Dangan lang at kailangang gumawa talaga ng paraan, gaya ng paggising ng maaga na una na nitong inihayag sa mga nagdaang pulong balitaan.

Lumalabas na tatlong oras at kalahati ang itinagal ng biyahe ni Panelo mula sa kanyang bahay hanggang Malacañang.

Alas-singko kinse ng umaga aniya siya umalis sa Marikina at nakarating ng alas-8:45 sa Palasyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE