!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Security officials, pinaghahandaan na ang epekto ng pagbagsak ng teroristang Daesh sa Syria at Iraq
By Nimfa Asuncion - August 13, 2019 , 9:05 pm

Nangangamba ang mga security official ng bansa sa posibleng epekto ng napaulat na pag-collapse ng Daesh sa Syria at Iraq.

Sinabi ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on National Defense tungkol sa panukalang amyendahan ang Human Security Act.

Ayon kay Esperon, dahil sa naturang pag-collapse ng Daesh sa Syria at Iraq, bumabalik na ang mga terrorist fighter sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan upang doon ipagpatuloy ang paghahasik ng lagim.

Kaya naman ikinababahala nila ang posibleng paglala ng taktika, pinsala at karahasan na maaaring gawin ng mga teroristang grupong ito para sa kanilang extremist agenda.

Dahil dito, iginiit ni Esperon, na napapanahon na upang ayusin ang mga butas o kulang sa Human Security Act na humahadlang sa kanila na makasuhan ang mga hinihinalang terorista.

Sa ngayon, ay tiniyak ni Esperon na ipinapatupad na ng Anti-Terrorism Council ang National Action Plan upang maiwasan at malabanan ang violent extremism.

Sakop aniya nito ang anim na sektor kabilang ang komunidad, social media, mga paaralan at mga madrasah, religious leader, OFW at religious scholars at ang mga nasa loob ng bilangguan.

YOU MIGHT ALSO LIKE