!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. De Lima, dating DILG Sec. Roxas, may pananagutang magpaliwanag sa nabuong IRR ng GCTA Law — PRRD
By Alvin Batazar - September 11, 2019 , 11:29 am

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na sugal o “risk” ang kanyang naging kautusan kamakailan na ipaarestong muli ang halos 2,000 convicts na una nang napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon sa Pangulo, wala siyang magawa kundi gawin ang hakbang bunsod na rin ng kontrobersiyang nilikha sa pagpapalaya ng mga presong kahit ang nagawang kasalanan ay maihahanay sa heinous crime.

Sinabi ng Pangulo, subject sa magkaibang interpretasyon ang GCTA law partikular na sa bahagi ng Section 1 at Section 3 ng RA 10592 kaya’t sang-ayon aniya siya sa pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na tanging Korte Suprema ang makapagbibigay linaw sa iba’t ibang interpretasyon ng batas hinggil sa GCTA.

Pagbibigay-diin ng Pangulong Duterte, dapat talagang magpaliwanag dito sina Senadora Leila de Lima at dating DILG Mar Roxas na siyang nagbalangkas ng IRR ng RA 10592.

Lumalabas kasi na dahil sa paglutang ng iba’t  ibang interpretasyon ng batas na may kinalaman sa kung sino ang karapat-dapat na makalaya sa ilalim ng GCTA law ay nasasakripisyo din ayon sa Pangulo sa nilikhang IRR nina De Lima at Roxas ang pamantayang “proof beyond reasonable doubt ” na paghatol kontra o pabor man sa isang indibidwal.

YOU MIGHT ALSO LIKE