!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Villanueva, nanawagang ipatupad na ang Telecommuting law
By Nimfa Asuncion - October 9, 2019 , 9:26 pm

Isinusulong ni Senador Joel Villanueva ang implementasyon ng Telecommuting law na nagpapahintulot sa empleyado ng mga kumpanya na magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan.

Sinabi ito ng senador na chairperson ng Senate Committee on Labor kasabay na rin ng lalong paghaba ng biyahe ng mga commuter dahil sa pagkakaroon ng aberya sa operasyon ng LRT at traffic na dulot ng Skyway extension.

Hinikayat ng senador, na ikonsidera ng mga employer ang mga benepisyo ng telecommuting lalo na ngayong lumalala ang sitwasyon sa trapiko sa bansa.

Si Villanueva ang may-akda ng Republic Act 11165 o ang Telecommuting Law na nagbibigay ng opsyon sa mga employer ng pribadong kumpanya na payagan ang kanilang mga empleyado na mag- work-from-home gamit ang teknolohiya.

Aniya, nais nilang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na magampanan pa rin ang kanilang trabaho nang hindi na kailangang bumiyahe pa.

Aniya, hindi na tama ang kalbaryong araw-araw na pinagdadaanan ng mga manggagawa para makapagtrabaho at mabuhay ang kanilang mga pamilya.

Sa ngayon, ayon kay Villanueva, ay nagsasagawa na ng pag-aaral ang DOLE sa mga trabahong maaaring ilagay sa isamg telecommuting arrangement.

YOU MIGHT ALSO LIKE