!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Villanueva, umaasang maisasabatas ang Security of Tenure Bill
By Nimfa Asuncion - July 11, 2019 , 10:51 pm

Kumpiyansa si Senador Joel Villanueva na malapit nang matuldukan ang “endo” o kontraktwalisasyon sa bansa.

Ito ay sa gitna ng lumalakas na suporta ng mga miyembro ng gabinete sa Security of Tenure Bill.

Kabilang sa mga nagpahayag na ng suporta dito ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Finance Secretary Carlos Dominguez III, at Trade Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Villanueva na isa itong magandang senyales para maabot ng mga manggagawang Pinoy ang pangarap na wakasan na ang “endo” o end of contract sa bansa.

Kasabay nito ay umaasa rin ang senador na mapipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill.

Una nang sinabi ni DOLE Secretary Bello na enrolled na ang naturang panukalang batas at naipadala na sa Malacañang.  | ulat ni Nimfa Asuncion

YOU MIGHT ALSO LIKE