!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Zubiri: Magpatayo ng elevated walkways para sa traffic sa EDSA
By Nimfa Asuncion - August 21, 2019 , 8:29 pm

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagpapatayo ng elevated walkways at bike lanes sa kahabaan ng EDSA.

Ito ang isa sa mga nakikitang solusyon ng senador para mapagaan ang mabigat na traffic sa EDSA.

Sa kanyang privilege speech, binigyang diin ni Zubiri, na ang pagkakaroon ng mga walkway at bike lane ay magbubukas ng isang bagong people-centric na lugar, at magkokonekta sa mga pangunahing business district ng Metro Manila.

Panahon na aniya upang ikonsidera natin ang pagkakaroon ng alternatibong paraan ng transportasyon.

Hindi lang aniya nito mababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan, kundi isa rin aniya itong pro-poor, pro-people project, na magbibigay sa publiko ng mas ligtas at madaling paraan ng transportasyon.

Sinabi pa ni Zubiri, na madali lang rin aniya ang pagtatayo ng mga elevated walkway na ito.

Sa ngayon, ay aabot na sa higit 400,000 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw nitong 2018, at 80% ng mga ito ay mga pribadong sasakyan.

Kung mahihikayat aniya natin ang mga driver at pasahero ng mga pribadong sasakyan na lumabas sa kanilang mga sasakyan, malaki ang iluluwag ng EDSA.

YOU MIGHT ALSO LIKE