Senado, hindi gumastos ng intelligence fund ayon kay Sen. Sotto
By Nimfa Mae Asuncion - January 13, 2021 , 9:25 pm

Walang ginastos ang Senado ni isang sentimo ng kanilang intelligence fund.

Iyan ang tugon ni Senate President Vicente Sotto III nang matanong tungkol sa ulat ng Commission on Audit (COA) na ang Kongreso ang top spender o nangunguna sa lahat ng mga opisina ng gobyerno na gumastos ng intelligence, confidential at extraordinary funds noong 2019 na nagkakahalaga ng P3.98-bilyon.

Sinabi ni Sotto na kinumpirma na niya ang naturang impormasyon mula sa senate secretary at iginiit na hindi gumastos ang senado ng anumang intel fund.

Wala naman aniyang impormasyon ang senador tungkol sa intelligence fund ng Kamara.

Sa report ng COA, maliban sa Kongreso, top spender ng confidential at intelligence funds ang Department of National Defense (DND) sa P3.087-bilyon at ang office of the president sa P2.410-bilyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE