!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Senado, hiningi ang tulong ng Korean embassy para mapabalik sa bansa ang drug lord na si Johnson Lee
By Nimfa Asuncion - October 9, 2019 , 9:35 pm

Humingi na ng tulong si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senador Richard Gordon sa embahada ng Korea para mapabalik ng Pilipinas ang hinihinalang drug lord na si Johnson Lee.

Sa pagdinig kanina, sinabi ni Gordon na personal silang nagpunta ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Korean embassy upang ibigay ang isang liham na humihinging maibalik sa bansa si Lee.

Umaasa ang dalawang senador na makikipagtulungan ang Korean embassy.

Matatandaang si Lee ang diumano’y orihinal na may-ari ng bahay na ni-raid ng labintatlong pulis Pampanga sa Woodbridge Subdivision sa Mexico, Pampanga, noong Nobyembre 2013 kung saan nakakuha sila ng diumano’y higit 209 kilos ng shabu.

Gayunpaman, base sa imbestigasyon at report ng CIDG, pinakawalan ng mga pulis si Lee matapos nitong magbayad ng ₱50 million.

Sa halip, ay si Ding Wenkun ang iprinisinta nilang suspek sa media at maging sa official report ng operasyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE