Senado, naglaan ng ₱245-M na pondo para sa pag-eempleyo ng 100 na judges-at-large
By Nimfa Mae Asuncion - November 21, 2020 , 11:49 am

Nagawan ng paraan ng Senado na mapaglaanan ng pondo ang pag-eempleyo ng 100 judges-at-large para sa susunod na taon.

Sa ilalim kasi ng National Expenditure Program (NEP) o ang panukalangg pondo na inihanda ng Department of Budget and Management (DBM), walang ibinigay na alokasyon para sa Judges-at-large Law.

Sa naging deliberasyon ng panukang pondo ng hudikatura para sa 2021, sinabi ng nagdepensa sa kanilang budget na si Senador Sonny Angara na ₱245-million pesos ang nailaan nilang pondo para sa naturang programa.

Sa pamamagitan aniya nito ay makakapag-empleyo na ng 100 trial judges-at-large, yan ay bilang idadagdag sa kasalukuyang 50 judges-at-large na mayroon sa buong bansa.

Sa target na dagdag na 100 hukom, 60 ang itatalaga sa mga regional trial courts habang 40 naman ang para sa municipal o metropolitan trial courts.

Sa ilalim ng Republic Act 11458, ang mga judges-at-large ay mga hukom na hindi nakatalaga sa iisang branch ng korte at maaari silang italaga bilang acting o assisting judge sa isang korteng mangangailangan ng hukom.

YOU MIGHT ALSO LIKE