!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Lacson, nakapagsumite na ng rekomendasyon sa report ng Pangulo
By Nimfa Asuncion - April 1, 2020 , 8:51 pm

Naisumite na ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang mga komento at rekomendasyon tungkol sa pinasang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naging implementasyon ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Lacson, ngayong umaga niya ito naisumite kay Senate President Vicente Sotto III bilang kabahagi ng binuong Oversight Committee ng Senado.

Nanghihingi rin si Lacson mula sa ehekutibo ng mas malinaw na larawan ng COVID-19 situation ng bansa…

Kabilang na dito ang progress update sa bilang ng mga nakunan ng COVID-19 test, bilang ng mga apektadong pamilya, bilang ng mga mangaggawa kada rehiyon at ang epekto nito sa ating ekonomiya.

Nirerekomenda rin ng Senador na magkaroon ng isang National Strategic Plan ng gobyerno kung saan ibabase ang magiging National Action Plan ng gobyerno.

Aniya, dapat ay mayroong malinaw na action plan ang mga ahensya ng gobyerno para sa tatlong priority programs sa ilalim ng naturang batas:

Una ay para sa pamimigay ng emergency assistance, pangalawa ay para sa pagtitiyak na may sapat na resources ang sektor ng kalusugan at pangatlo ay para sa fiscal at monetary actions para sa ekonomiya ng bansa.

Isa rin sa mga rekomendasyon ng Senador ay ang agad na pamimigay ng special risk allowance para sa ating mga healthcare workers lalo na yung mga nagpositibo na at mga pumanaw na dahil sa COVID-19.

Matatandaang ang Special Risk allowance na ito ay parehong public at private healthcare personnel at iba pa sa mga natatanggap nilang hazard pay.

Giit ni Lacson, dapat ay may malinaw na pagpaplano at koordinasyon ang pamahalaan dahil kung wala aniya ito ay hindi magiging epektibo ang urgency ng RA 11469.

YOU MIGHT ALSO LIKE