Senadora Imee Marcos, nagpasalamat sa taumbayan sa “second chance” na ipinagkaloob sa kanila
By Melany Valdoz-Reyes - May 25, 2022 , 10:26 pm

Nagpasalamat si Senadora Imee Marcos sa taumbayan sa second chance na ipinagkaloob sa kanilang pamilya.

Sa panayam ng media, sinabi nitong “very grateful” ang kanilang pamilya sa pagkakataong ibinigay sa kanila sa kabila ng ilang taong pangungutya at pang-aapi na kanilang naranasan.

Aniya apat na dekadang hinarap nila ang iba’t ibang kaso na ipinukol sa pamilya.

Pinaslaamatan din ng mambabatas ang mga supoorters, mga loyalista at mga Ilokanong sumuporta at naniwala sa kanyang kapatid na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nang tanungin ng media kung ano ang kanyang magiging role sa administrasyon Marcos, sagot niya, maging “super ate” sa kanyang kapatid at Senado.

Binigyan diin din ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaron ng magandang relasyon ng executive at legislative branches ng gobyerno.

YOU MIGHT ALSO LIKE