Sinovac, walang matinding side effects sa mga senior citizen
By Julius Gonzales - April 8, 2021 , 10:18 pm

Walang matinding side effects ang bakunang Sinovac sa mga nakatatanda o senior citizen.

Binigyang diin ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac para magamit sa mga nakatatanda.

Ayon pa kay Dr. Montoya, ang side effects ng Sinovac sa mga senior citizen, ay katulad ng karaniwang sife effect kapag nagpabakuna, na nawawala din naman pagkalipas ng isa hanggang dalawang araw.

Giit pa ni Dr. Montoya na wala din namang problema, kung ituturok ang Sinovac sa mga may comorbidities o may ibang iniindang sakit, basta kailangang kontrolado at monitored ng kanilang mga doktor.

YOU MIGHT ALSO LIKE