Speaker Velasco, umaasang mas magiging mabilis ang roll out ng vaccination program sa pagsasabatas ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021
By Kathleen Forbes - February 23, 2021 , 5:32 pm

Umaasa si Speaker Lord Allan Velasco na mapapabilis na ang COVID-19 vaccination program roll out, matapos lumusot sa Mataas na Kapulungan ang panukalang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Sa isang pahayag sinabi ni Velasco, na umaasa itong maisasakatuparan ang layunin ng panukala na pabilisin ang pagbili at pagbabakuna laban sa COVID-19.

Diin pa ng Marinduque solon, kada araw na delay sa pagpapabakuna ay malaki rin ang epekto sa ekonomiya ng bansa.

Kahapon, ay pinagtibay na sa Kamara ang panukala matapos sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapaloob sa House Bill 8648, ang pagpapahintulot sa mga local government unit maging sa private entities, na bumili ng bakuna sa ilalim ng isang multi-party agreement kasama ang National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH).

Kasama rin dito ang paglalaan ng P500 million na indemnity fund para sa posibleng adverse effect ng bakuna, pagkakaroon ng vaccine passport para sa mga nabakunahan na at pagpapahintulot sa pharmacist, at mga midwife na mag-administer ng pagbabakuna kaakibat na may sapat na pagsasanay para rito.

YOU MIGHT ALSO LIKE