!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Spox Panelo, mananatiling bukas ang tanggapan sa pagbibigay ng referral, kahit sa mga naging kliyente sa nakaraan
By Alvin Baltazar - September 12, 2019 , 11:33 am

Walang dahilan si Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo para itigil ang pagbibigay ng “referral” na manggagaling sa kanyang tanggapan.

Ito ay sa kabila ng naging kontrobersiya noon sa referral letter na inisyu ng Office of the Presidential Spokesperson sa pamilya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, para magamit sa kanilang pagsisikap na mabigyan ng executive clemency ang dating alkalde.

Ayon kay Panelo, hindi niya maaaring ihinto ang pagbibigay ng referral, dahil bahagi ito ng kanilang trabaho upang makapagbigay hindi lang ng tulong, kundi pati referral na magagamit sa reklamo at pag-aaplay at nga trabaho.

Ayon kay Panelo, mananatiling bukas ang kanyang tanggapan sa kahit sino, para sa kailangang referral na kanilang i-a-address sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang aniya dito ang mga dati niyang kliyente, na may karapatan din namang makahingi ng referral bilang citizens of the Republic.

YOU MIGHT ALSO LIKE