Tren ng PNR Clark, darating sa bansa bago matapos ang taon
By Lorenz Tanjoco - October 14, 2021 , 9:05 pm

Darating sa bansa ang unang set ng train ng Philippine National Railways (PNR) Clark bago ang Christmas, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang trainset ay aalis sa Yokohama, Japan ngayong October matapos sumailalim sa serye ng Factory Acceptance Testing (FAT).

Ayon sa DoTr, sa pamamagitan ng FAT, ang bagong set ng train ay sasailalim sa beripikasyon kung matutugunan nito ang intended purpose.

Sa sandaling makumpleto, ang railway ay inaasahan na makakapagsakay ng 300,000 pasahero araw-araw.

Bukod dito, mapapaikli rin ang oras ng biyahe sa pagitan ng Tutuban sa Maynila at Malolos, Bulacan mula sa isang oras ay aabutin na lamang ng 35 minuto.

YOU MIGHT ALSO LIKE