Tulong ng commercial establishments malapit sa Commonwealth misencounter, hiningi
By Michael Rogas - February 26, 2021 , 8:52 pm

Umaapela ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa mga may-ari ng mga negosyo sa paligid ng Ever Gotesco Mall, Commonwealth Avenue, Quezon City, na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa gagawing imbestigasyon ng naganap na misencounter noong Miyerkules ng gabi.

Ito ay kasunod ng ginawang pagpupulong ng Quezon City Police District (QCPD), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga barangay official at commercial establishments, na ipinatawag kanina ni Mayor Joy Belmonte.

Sabi ng alkalde, malaki ang magiging bahagi ng mga CCTV footage at testimony ng mga commercial establishment malapit sa pinangyarihan ng putukan, para sa gagawing imbestigasyon ng PDEA at QCPD Board of Inquiry.

Hinikayat din niya ang mga barangay offial at pulis, na panatilihin ang ugnayan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko kapag may ganitong insidente.

Samantala, kinuha din ng alkalde ang atensyon ng Peoples Law Enforcement Board o PLEB, na magsagawa ng sariling pagsisiyasat kaugnay sa barilan naganap upang maprotektahan ang mga sibilyan.

YOU MIGHT ALSO LIKE