!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
TWG na tatalakay sa pagbuo ng Dept. of OFW, binuo na sa Kamara
By Kathleen Forbes - September 18, 2019 , 6:56 pm

Bumuo na ang Kamara ng isang technical working group (TWG) na siyang magsasagawa ng mga consultative hearing para sa bubuuing Department of OFW.

Magsisilbing chairperson ng TWG sa parte ng Kamara sina Representative Joey Salceda at Ron Salo mula sa Committee on Government Reorganization, habang sina Representative Eric Pineda at Raymond Mendoza naman ang sa panig ng Committee on Overseas Workers Affairs.

Kasama rin sa TWG ang mga government agency na may kinalaman sa OFW affairs, tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ilang grupo rin ng OFW at OFW advocates ang bahagi ng binuong TWG.

Ang binuong TWG ng Kamara ay makikipag-ugnayan naman sa kanilang counterpart sa Senado para sa serye ng consultative hearing.

Una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na target nilang maipasa ang panukala na bubuo sa isang Department of OFW bago matapos ang taon.

YOU MIGHT ALSO LIKE