Universal vaccine access, inclusive economic recovery, at bukas na kalakalan sa Asia-Pacific Region, isinulong ni PRRD sa APEC Forum
By Racquel Bayan - November 21, 2020 , 4:51 pm

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mas pinaigting na kooperasyon ng mga bansa para sa pagkakaroon ng universal access sa bakuna laban sa mga virus, at para na rin sa inclusive economic recovery, sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na COVID pandemic.

Sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Forum, ipinunto ng Pangulo na kailangang matuldukan ang virus saan man sa mundo. At magagawa lamang aniya ito kung pagiigtingin ang kooperasyon ng bawat bansa na gawing accessible ang mga bakuna para sa lahat.

“Several modalities are available. Aside from bilateral and multilateral cooperation, tripartite arrangements can be made between the government, private sector, and multilateral financial institutions,” ani Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan munang matiyak na wala nang virus saan man sa mundo, upang masabi na ligtas na ang lahat.

“We have to defeat the virus everywhere, or no one is safe. To do this, we need to strengthen partnerships to make vaccines a global public good,” ayon kay Pangulong Duterte.

Bukod dito, kinilala rin ng Pangulo ang gagampanang importanteng papel ng APEC sa post-pandemic recovery efforts sa Pacific Rim, lalo’t layon naman aniya ng kooperasyong ito na magsulong ng economic growth at pag-unlad sa rehiyon.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na mahalagang makarecover ang lahat nang walang sinoman ang maiiwanan, at maisasakatuparan lamang aniya ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malalim na ugnayan sa international community.

“We aim for a comprehensive recovery with no one left behind. This can only be done through deeper engagement with the international community, especially with close partners in the Pacific Rim Region,” paliwanag ng Pangulo.

Ipinunto rin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapanatili sa bukas at patas na kalakalan sa rehiyon.

Sa huli, tiniyak ng Pilipinas na katuwang ng mga bansang kasapi ng APEC, ang commitment ng mga ito sa rules-based multilateral trading system, na pinangungunahan ng World Trade Organization (WTO).

“APEC Putrajaya Vision 2040 gives us renewed confidence in our collective efforts and ability to build back better, healthier, and more prosperous societies. Let us join hands, as we have always done, to make this Vision a reality,” pahayag ng Pangulong Duterte.

YOU MIGHT ALSO LIKE