US Embassy, nagkaloob ng suportang pinansyal sa PH sa pagsugpo sa polusyon sa Manila Bay 
By Tess Ramirez - July 11, 2019 , 11:48 pm

Nagkaloob ng suportang pinansyal sa Pilipinas ang United States Embassy para makatulong sa problemang polusyon sa Manila Bay.

Sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), pinasalamatan ni Undersecretary Benny Antiporda ang P20-million pesos na grant ng nited States Agency for International Development (USAID) para tulungan ang bansa na labanan ang plastic pollution.

Bukod sa layuning mabawasan ang polusyon na ang pinagmumulan ay plastic, layon din nitong mapaghusay ang solid waste management at bilang supporta rin sa pag-aaral sa plastic waste na nasa Manila Bay.

Ayon kay US Embassy-Philippines Deputy Chief of Mission John Law, nais nilang maprotek-tahan ang urban coastal areas dahil isa rin itong paraan para mapaunlad ang sektor ng turismo at pangisdaaan.

Umapela naman ang DENR sa mga lokal na pamahalaan (LGUs), non-government organizations (NGOs) at muling hinikayat ang publiko na tumulong upang malutas ang suliranin sa basura.  | ulat ni Tess Ramirez

YOU MIGHT ALSO LIKE