Valenzuela City, magbibigay ng ₱4-M ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela
By Jesson Luis Tamondong - November 21, 2020 , 7:31 am

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na magbibigay ito ng ₱4-na milyong pisong tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Bahagi ito ng Valenzuela City Care Plus Program na layunin na tulungan ang mga bayan at lalawigan na nasalanta ng mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol.

Inaprubahan ng Valenzuela City Council noong ika-16 ng Nobyembre ang Resolution No. 1882, Series of 2020 kung saan pinapayagan ng konseho na maglabas ng nasabing halaga mula sa General Fund upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Narito ang breakdown ng ayudang ipamimigay:

Province of Cagayan – Total of ₱2,200,000 worth of rice

Provincial Government of Cagayan – ₱700,000 worth of rice

Municipal Government of Tuguegarao – ₱500,000 worth of rice

Municipal Government of Aparri – ₱200,000 worth of rice

Municipal Government of Enrile – ₱300,000 worth of rice

Municipal Government of Solana – ₱300,000 worth of rice

Municipal Government of Amulong – ₱200,000 worth of rice

Province of Isabela – Total of ₱1,800,000 cash

Provincial Government of Isabela – ₱700,000 cash

Municipal Government of Cabagan – ₱300,000 cash

Municipal Government of Ilagan – ₱500,000 cash

Municipal Government of Tumauini – ₱300,000 cash

Inaasahang ibibigay ang nasabing halaga sa mga lalawigan ngayong weekend.

Matatandaang namahagi rin ng ₱6-na milyong pisong financial assistance ang Valenzuela LGU sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Bicol Region.

YOU MIGHT ALSO LIKE