!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Valenzuela LGU, pinulong ang mga negosyante hinggil sa social distancing
By Jesson Tamondong - March 28, 2020 , 5:39 pm

Nakipagpulong ngayong araw ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela City sa mga may-ari at representante ng mga pamilihan, grocery stores, at mga supermarket.

Ginawa ang nasabing hakbangin upang matiyak na nasusunod ang physical distancing ng mga residenteng bumibili ng mga pangunahing pangangailangan sa gitna nang nangyayaring enhanced community quarantine.

Ayon kasi kay Mayor Rex Gatchalian, maraming silang natatanggap na reklamo at larawan na siksikan ang mga mamimili sa mga pribado at pampublikong palengke sa lungsod na maaring magresulta sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Alkalde, simula bukas ay kailangan nang limitahan ng mga pamilihan ang bilang ng mga pumapasok kada oras sa mga establisyemento upang maisagawa ang physical distancing.

Samantala maglilibot din ang mga tauhan ng Valenzuela LGU sa mga pamilihan upang matiyak na susundin ng mga pamilihan ang nasabing direktiba.

YOU MIGHT ALSO LIKE