“Vulnerable groups”, dapat na unang mabakunahan upang mapababa ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19
By Julius Gonzales - April 7, 2021 , 11:06 pm

Dapat unahing mabakunahan ang mga senior citizen, may kapansanan at mga healthcare workers, para mapababa ang bilang ng mga mamamatay sanhi ng COVID-19.

Ito ay habang hindi pa naaabot ng bansa ang “herd-immunity” dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna.

Ang herd immunity ay ang target na pagbabakuna sa 70% ng populasyon, para masabing immuned o hindi na makahahawa ng maramihan ang sakit, sa isang lugar o sa isang bansa.

Bago pa ito maabot ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH), posibleng bumaba ng 90% ang bilang ng mga namamatay sa bansa sanhi ng COVID-19, kung babakunahan na ang mga most vulnerable sector.

Ayon pa kay Dr. Salvana, kapag nabakunahan ang 25-million mula sa most vulnerable sector, ay bababa ang kamatayan sa 90% na isang malaking positibong epekto sa paglaban sa pandemya.

Dagdag pa ni Dr. Salvana na kapag nabakunahan na ang vulnerable sector ay maaari nang buksan ang ekonomiya, kahit hindi pa naaabot ang herd immunity.

YOU MIGHT ALSO LIKE