WHO, hinikayat ang gobyerno ng Pilipinas na pagbutihin pa ang healthcare capacity sa bansa
By Julius Gonzales - April 8, 2021 , 10:26 pm

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno ng Pilipinas na pagbutihin pa ang healthcare capacity sa bansa.

Ayon kay Dr. Takeshi Kasai, ang Regional Director for Western Pacific Region ng WHO, kabilang na dito ang pagtatayo ng mga intermediate facility, para sa mga wild at moderate COVID-cases.

Layon nitong mailaan ang mga intensive care unit (ICU) beds sa mga pasyenteng may malubhang kaso ng COVID-19.

Hinikayat din ni Dr. Kasai ang pamahalan na palakasin ang contact tracing, para matukoy kung saan nagmula ang hawaan, at epektibong matigil ang pagkalat ng virus.

Dapat din anyang paigtingin ang kilusan ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 para maabot ang herd immunity.

YOU MIGHT ALSO LIKE