WHO, nababahala sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas
By Julius Gonzales - April 8, 2021 , 10:11 pm

Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Takeshi Kasai, Regional Director ng Western Pacific Region ng WHO, nakababahala ang sitwasyon sa Pilipinas, dahil patungo ito sa tinatawag na ‘red line”.

Ang red line ang tumutukoy sa sitwasyon na kung saan, ang bilang ng mga kaso ay lumagpas o nahigitan na ang kapasidad ng mga ospital o healthcare system.

Sa sandaling tumawid o ma-break na ang red line, ay tiyak na malalagay sa peligro ang ating mga health workers.

Oras na mahawa ang mga healthcare workers ay bababa ang mga healthcare capacity, at mas marami ang mangangailangan ng tulong.

Ayon pa kay Kasai, kabilang sa mga factors na nagpataas sa kaso ng COVID sa bansa ang variants of concern, pagtaas ng mobility o paggalaw ng tao at ang mga social gatherings o mga hindi pinapayagang pagtitipon.

YOU MIGHT ALSO LIKE