2 dating NPA member, humarap sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo ng mga menor-de-edad
By Nimfa Asuncion - August 14, 2019 , 3:13 pm

Ipinagpatuloy kanina ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa diumano’y pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo sa mga estudyanteng menor-de-edad.

Ayon kay Committee Chair Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, humarap sa pagdinig kanina ang dalawang dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Inilahad ng mga ito kung paano sila na-recruit sa pagiging rebelde.

Sa unang pagdinig noong nakaraang linggo, narinig ang kwento ng mga magulang ng mga estudyanteng nawawala at na-recruit ng mga leftist group.

Dito lumabas na nangyayari ang recruitment sa loob mismo ng mga unibersidad at kolehiyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE