!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
3 drug suspek, arestado sa Navotas
By Jesson Luis Tamondong - February 18, 2020 , 7:22 am

Arestado ang tatlong drug suspek matapos mahulihan ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Navotas City Police Station kaninang 2 AM sa Kalaparan 2, Aquarius St. Brgy. San Roque sa Navotas.

Ayon sa mga pulis, nagsasagawa sila ng covert validation sa mga report na may nangyayari umanong transaksyon ng droga sa lugar, nang maaktuhan ang tatlong suspek na may hawak na sachet ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Gilbert Perona, 44, Rolando Ong, 47, at Roderick Terambulo, 42 taong gulang.

Pawang mga residente ng nasabing barangay ang mga suspek at hindi kasama sa listahan ng mga drug personalities sa lugar.

Narekober mula sa mga suspek ang walong sachets ng hinihinalang shabu na may street value na P17,700 (2.6 grams).

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act habang dadalhin naman sa PNP-NPD Crime Lab ang mga nasabat na hinihinalang shabu.

Photos from NPD PIO

YOU MIGHT ALSO LIKE