!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
3 patay, 1 sugatan sa pag-atake ng ASG sa Sulu habang ipinagdiriwang ang Eid’l Adha
By Leo Sarne - August 13, 2019 , 2:29 pm

Tatlo ang patay at isa ang sugatan sa pag-atake ng Abu Sayyaf group (ASG) sa gitna ng selebrasyon ng Eid’l Adha kahapon sa Sulu.

Sa ulat ng Western Mindanao Command (Wesmincom)  tinambangan ng ASG ang isang sundalo ng 2nd Special Forces Battalion at isang Citizen’s Active Auxiliary habang nakasakay ang mga ito sa motor sa Patikul-Talipao Road, Barangay Kagay, Talipao, Sulu kahapon bago mag-alas-9:00 ng umaga, na nagresulta sa agad na pagkamatay ng dalawa.

Dalawang bata na 2-taong gulang at 11-taong gulang din ang tinamaan ng bala sa naturang pag-atake, at isinugod ang mga ito sa Integrated Provincial Health Office.

Ang 2-taong gulang na bata ay namatay sa pagamutan kahapon ng tanghali dahil sa tindi ng kanyan tama, habang ang pangalawang bata na estudyante ng Barangay Kagay Elementary School ay agaw-buhay pa rin.

Ayon kay Major General Corleto Vinluan, Jr., the JTF Sulu Commander, ang pag-atake ng ASG sa araw ng Eid’l Adha ay hayagang pambabastos sa itinuturo ng Islam.

Kinundena naman ni Wesmincom Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana ang katrayduran ng ASG, kasabay ng pagpapaabot ng kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

YOU MIGHT ALSO LIKE