!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
4 arestado sa pot session sa Caloocan
By Jesson Luis Tamondong - February 18, 2020 , 7:46 am

Arestado ang apat na indibidwal matapos mahuling nagpa-pot session sa isang bahay sa Rajah Soliman St., Sto. Niño, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jayson Cachero, 34, Lito Damaso, 26, Josel Villanueva, 37, at Kent Dupan, 22-taong gulang.

Pawang mga residente ng nasabing barangay ang mga nahuli.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente sa lugar na may nangyayari umanong pot session sa isang bahay sa nasabing barangay.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar at naaktuhan ang apat na suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu.

Narekober mula sa mga nag-pot session ang mga drug paraphernalia at tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na ₱11,500.

Kakasuhan ang apat ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Photos from NPD PIO

YOU MIGHT ALSO LIKE