!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
5 suspek sa pagpatay kay dating Batangas 2nd Dist. Rep. Mendoza, hawak na ng CIDG
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 11:04 am

Kinumpirma ni Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Brig General Joel Coronel na nasa kustodiya na ng CIDG ang limang suspek sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Representative Edgar Mendoza.

Aniya, sa ngayon ay isinasailalim pa sa imbestigasyon ang limang suspek at naghahanap pa sila ng karagdagang ebidensya laban sa mga ito.

Hindi pa maidetalye ni Coronel ang direktang partisipasyon ng mga suspek sa pagkamatay ni Mendoza.

Pero sinabi nitong isa sa limang suspek ay mismong sumaksak at bumaril kay Representative Mendoza , body guard nito at drayber.

Sa ngayon, nakikitang motibo ni Coronel sa pagpatay ay dahil sa away sa pera at legal dispute.

Mahaharap ang mga suspek sa three counts of murder.

Magugunitang natagpuan ang sunog na bangkay ni dating Rep. Mendoza at dalawa niyang kasamahan, sa loob ng sunog na sasakyan, sa San Francisco Bridge, Brgy. San Francisco, Tiaong, Quezon noong Enero a-9.

YOU MIGHT ALSO LIKE