!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
72 illegal gambling machines, sinira ng NCRPO sa CAMANAVA
By Jesson Luis Tamondong - February 21, 2020 , 2:40 pm

Kaugnay ng pinaigting na kampanya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kontra illegal gambling, pinangunahan ni NCRPO Chief Police Brig. Gen. Debold Sinas at ng Northern Police District (NPD) ang pagsira sa mahigit 70 illegal gambling machines na nasabat sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.

Ayon kay Sinas, nagsimula ang maigting na kontra illegal gambling Oktubre ng nakaraang taon nang maitalaga ito sa posisyon.

Matapos sirain ang mga illegal gambling machines ay pumirma ang mga hepe at opisyal ng NPD sa ONE NCRPO pledge of commitment kung saan nangako ang mga hepe ng NPD na hindi tatanggap ng suhol sa mga nagpapalakad ng iligal na pasugalan sa CAMANAVA.

Ayon kay Sinas, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na nais nilang agad na ma-dismiss sa trabaho ang mga pulis na mapapatunayang may kaugnayan sa mga illegal gambling sa bansa upang hindi na pamarisan pa ng iba pang pulis.

Hinikayat din ni Sinas ang publiko na isumbong sa kinauukulan ang mga pulis na kasabwat o protektor ng illegal gambling sa kanilang mga lugar upang agad itong maimbestgahan at masampahan ng kaso.

PANOORIN | National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Debold Sinas, nanguna sa pagsira ng mga…

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, February 20, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE