Aktor na si Jake Cuenca, kinasuhan ng Mandaluyong PNP
By Merry Ann Bastasa - October 11, 2021 , 6:25 pm

Kinumpirma ni Eastern Police District (EPD) Director Police Brigadier General Matthew Baccay, na nasampahan na ng kaso ang aktor na si Jake Cuenca, na nakipaghabulan nitong Sabado sa mga pulis matapos mabangga ng aktor ang sasakyan ng mga ito.

Ayon kay Baccay, kasong disobedience to a person in authority at reckless imprudence resulting in damage to property ang kahaharapin ng aktor.

Pinalaya rin naman umano si Cuenca, dahil lumagpas na ang reglementary period na 12 oras para sa minor offenses nito.

Matatandaang isang delivery rider din ang nadamay sa insidente na tinamaan ng stray bullet.

Nauna na rin tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, na pananagutin ang aktor sa nangyari at papatawan ng disciplinary actions ang mga pulis na namaril sa sasakyan ni Cuenca.

YOU MIGHT ALSO LIKE