!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Apat na suspek sa pananambang kay Masbate town Vice Mayor Yuson, iniharap sa publiko
By Jesson Tamondong - October 10, 2019 , 7:05 pm

Iprinisinta na ngayong hapon ng Manila Police District ang apat na suspek sa pananambang at pagpatay kay Batuan, Masbate, Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Brigadier General Vicente Danao, Jr. positibong kinilala ng walong testigo ang apat na suspek na umano’y walang habas na namaril sa bise akalde, habang kumakain sa isang karinderia Sampaloc, Manila, noong Miyerkoles ng umaga.

Kinumpirma rin ni Danao na ang mga nahuling suspek ay ang mga sakay ng silver-gray na van na napigil sa bahagi ng Quirino Avenue, matapos magsagawa ng dragnet operation ang MPD.

Kinilala ang mga suspek na sina Bradford Solis, 41-anyos, Juanito De Luna, 54-anyos, Junel Gomez, 36-anyos, at Rigor Dela Cruz, 38-anyos.

Manila Police District, iprinisinta sa media ang apat na suspek sa pagpatay kay Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III

Posted by Jesson Luis Tamondong on Thursday, 10 October 2019

 

Tiniyak ni Danao na pabibilisin nila ang pagproseso ng kasong murder ng mga suspek.

Nagpapasalamat naman ang asawa ng napaslang na bise alkalde na si Lalaine Yuson, sa pagtulong ng MPD upang mapabilis ang paggulong ng hustisya.

YOU MIGHT ALSO LIKE