!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Brgy. quarantine pass, di kikilalanin sa quarantine checkpoints
By Leo Sarne - April 1, 2020 , 5:01 pm

Hindi kikilalanin ng Philippine National Police (PNP) ang mga barangay quarantine pass sa mga checkpoint.

Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Sheild Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, kahit na ano pang quarantine pass ang inisyu ng mga local government unit (LGU), hindi ito kailangan para makadaan sa quarantine checkpoints.

Binigyang diin ni Eleazar, na basta’t authorized person outside of residence (APOR), ay maaring dumaan sa checkpoint na ID lang ang kailangang ipakita.

Kabilang sa mga APOR ang mga nagtatrabaho sa health at medical services, security at emergency services, at essential Services, tulad ng mga banko, grocery, drug stores, food chains, punerarya, at media.

Kung hindi aniya APOR, kahit may barangay pass pa ay hindi pa rin sila padadaanin sa mga checkpoint.

Giit ni Eleazar, ang sinusunod na protocol ng PNP sa mga community checkpoint ay ang mga alituntunin ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF-EID, at hindi ang mga protocol ng mga LGU.

YOU MIGHT ALSO LIKE