!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Camp Aguinaldo, naka-lockdown 
By Leo Sarne - March 27, 2020 , 2:57 pm

Naka-lock-down ang buong Camp Aguinaldo para isailalim sa disinfection.

Ito’y matapos na lumabas ngayong araw ang resulta ng COVID test ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos kung saan positibo ang resulta.

Si Gen. Santos ay kasalukuyang naka-strict home quarantine sa kanyang quarters sa Camp Aguinaldo.

Agad ding inilabas ni Gen. Santos ang resulta ng test upang mabigyan ng abiso ang lahat ng mga indibidwal na maaring nagkaroon ng contact sa kanya mula March 13 hanggang March 27 na obserbahan ang medical protocol at sumailalim sa self-quarantine.

Yun namang mga nagkaroon ng contact kay Gen. Santos mula March 9 hanggang March 12 ay pinayuhan ng AFP na humingi ng medical advice.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana na isa sa mga nakasama ni Gen. Santos noong March 21 at March 22 ay sumailalim na rin sa home quarantine epektibo ngayong araw.

YOU MIGHT ALSO LIKE