!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Camp Crame development plan, handa na
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 8:23 am

Katulad ng plano ng national government na i-decongest ang Metro Manila sa paglipat ng mga tanggapan ng pamahalaan sa mga lalawigan, inihanda na rin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang plano para lumuwag ang national headquarters.

Ang tinaguriang Camp Crame development plan ay binalangkas ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan noong kanyang panunungkulan bilang Deputy Chief for Operations sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon kay Cascolan, aprubado na ang nasabing plano kung saan ilang unit ang balak ilipat sa labas ng kampo.

Kabilang dito ang Highway Patrol Group na isang operational unit at nararapat ay malapit sa mga malalaking kalsada upang mabilis na makaresponde.

Kasama rin sa maaring ilipat ay ang PNP Maritime Group para magkaroon ng sapat na lugar para sa pagsasanay.

Maging ang mga pasilidad para sa K-9 units at Explosive Ordnance Division (EOD) ay plano ring ilipat.

Ayon kay Cascolan, ang plano ay ipapasa na niya sa bagong Deputy Chief for Operations na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar para maipatupad.

YOU MIGHT ALSO LIKE