!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Computer shops, condo na ginagawang prostitution dens, tututukan na rin
By Hajji Kaamiño - February 21, 2020 , 1:54 pm

Mas paiigtingin pa ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pagpapasara sa mga business establishments na mahuhuling gumagawa ng kalaswaan o ginagawang pugad ng prostitusyon.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, patututukan niya sa pulisya ang mga karaoke bar, wellness spa, condominiums at maging mga computer shop na nagiging prostitution dens.

Titiyakin aniya ng gobyerno na hindi na sila makakapagnegosyo sa lungsod dahil walang puwang dito ang iligal na aktibidad.

Bilang bahagi ng Zero Tolerance Policy ay ipinag-utos ng alkalde sa Business Permit and Licensing Office na agad ipasara ang mga establisimiyento na direkta o sa internet gumagawa ng malalaswa.

Sa mga nakalipas na linggo ay sunud-sunod ang pagsalakay ng Makati Police sa mga sex dens na nagkukubli bilang spa at KTV bar.

Dalawampu’t apat na hinihinalang sex workers na inilalako sa mga dayuhan naman ang nasagip sa isang computer shop sa Barangay San Isidro.

YOU MIGHT ALSO LIKE