“Contactless transactions”, isinulong ng PAF
By Leo Sarne - January 14, 2021 , 8:32 am

Bilang pagsulong ng contactless transaction sa gitna ng pandemya, inilunsad ng Philippine Air Force (PAF) sa tulong ng Land Bank of the Philippines ang kanilang PAF online payment system (POPS)

Ang simpleng launching Ceremony sa Social Hall ng Department of National Defense Sa Camp Aguinaldo ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, at LBP President and CEO, Ms Cecilia C Borromeo.

Ang proyekto ay bahagi ng 5-point digital agenda ng Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen T. Paredes, na alinsunod sa RA 8792, o ang “Electronic Commerce Act of 2000”

Sa pamamagitan ng POPS ang mga tauhan ng Air Force at iba pang stakeholders ay maari nang magbayad ng kanilang utilities at iba pang serbisyo kabilang ang bayad sa kuryente, ospital, government quarters, at PAF bidding documents sa pamamagitan ng LBP iAccess o LinkBiz Portal.

Ang PAF ang isa sa mga una sa Major services at pang 767th miymebro ng LBP na gagamit ng digital platform ng banko.

Ayon kay Lt. Gen. Paredes, napapanahon ang paglulunsad ng proyekto upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pag-promote ng mga “contactless transactions”.

YOU MIGHT ALSO LIKE