Dalawang bagong layang lalaki, patay matapos tambangan sa loob ng jeep
By Lorenz Tanjoco - January 14, 2021 , 7:41 pm

Dead on the spot ang dalawang lalaki na binaril sa loob mismo ng isang pampasaherong jeepney sa Quiapo, Maynila.

Nasa loob pa ng jeepney ang katawan ng mga biktima. Sila ay kinilalang mga dating pulis na sina Reynaldo Nuque at Felizardo Pablico.

Ang isa ay nakaupo pa habang ang isa ay nakadapa sa loob ng jeep.

Ayon sa inisyal na salaysay ng mga saksi, sinabi ni Roland Gacula, Chairman ng Brgy. 310 na bagong laya ang dalawang biktima sa MPD Station 3.

Kalalaya lamang nila kaninang alas-diyes ng umaga pero tila inabangan ng riding in tandem na bumaril sa mga biktima.

Ayon kay P/Supt. Carlo Manuel, ang tagapagsalita ng MPD, arestado ang dalawa noong Nobyembre dahil sa illegal possession of firearms.

Ayon kay Manuel, apat ang suspek sa krimen. Hawak na rin ng mga pulis ang jeepney driver, na magsisilbing testigo sa krimen.

Ayon naman sa driver, sumakay ang nasa apat na tao, kasama ang dalawang biktima nang biglang may narinig siyang putok. Agad daw siyang umiwas at dumapa upang hindi matamaan ng baril.

YOU MIGHT ALSO LIKE