DND Sec. Lorenzana, positibo sa COVID-19
By Leo Sarne - April 7, 2021 , 6:52 am

Positibo sa COVID-19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Mismong si Lorenzana ang nag-anunsyo ng resulta ng kanyang RT-PCR test kahapon, kasabay ng pagsabi na sasailalim siya sa quarantine, alinsunod sa health protocols.

Gayunpaman, sinabi ni Lorenzana na wala siyang sintomas at maayos ang kanyang kalagayan.

Inabisuhan na rin aniya ang lahat ng kanyang mga close contacts na mag-isolate din at sumailalim sa COVID test.

Paalala ng kalihim, mapanganib ang banta ng COVID-19 lalo na sa pagsulpot ng mga bagong variants, kaya mainam na sumunod sa mga health protocols ang lahat.

Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang operasyon ng Department of Defense na minamandohan ng skeletal workforce.

YOU MIGHT ALSO LIKE