DOJ, inatasan ang NBI na palawakin pa ang imbestigasyon sa pastillas scam
By Julius Gonzales - February 23, 2021 , 10:54 pm

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na palawakin pa ang kanilang imbestigasyon, laban sa mga nasa likod ng pastillas scam.

Ang naturang kautusan ay kasunod ng pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na nag-mutate na rin ang nasabing modus sa mga paliparan sa bansa, na kinasasangkutan ng mga fixers sa Bureau of Immigration.

Sa direktiba ng kalihim, nais nitong malaman kung sino pa ang ibang nakinabang sa modus at ang kanilang mga kasabwat, para maparusahan.

Una nang pinakilos ng DOJ ang NBI noong Pebrero ng nakalipas na taon, para imbestigahan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sinasabing tumatanggap ng suhol kapalit ng pag-escort sa mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers papasok ng Pilipinas.

YOU MIGHT ALSO LIKE