Drug courier na may dalang higit ₱3-M halaga ng shabu, naaresto ng PDEA sa Calookan City
By Rey Ferrer - February 23, 2021 , 12:56 pm

Abot sa ₱3.4-million ang halaga ng shabu ang na-recover ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug courier sa Malaria, Calookan City.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva naaresto ng PDEA agents ang 27-taong gulang na si Jovit dela Cruz, sa isang drug buy bust operation malapit sa isang mall sa Quirino Avenue sa Malaria.

Residente ang drug courier ng Barangay 185, Malaria sa North Caloocan City.

Ayon sa PDEA, abot sa 500 gramo ng shabu ang nabawi sa kaniya ng mga awtoridad kasama ang buy bust money na ginamit sa operasyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE