!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Espenido, di pa ligtas sa imbestigasyon kahit tiwala ang Pangulo sa kanya
By Racquel Bayan - February 18, 2020 , 5:33 am

Hindi pa ‘off the hook’ si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa imbestigasyon, kahit na una nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagtitiwala dito sa kabila ng umano’y pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa narco list.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tulad ng pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, magkakaroon pa rin ng imbestigasyon sa kaso ni Espenido.

Aminado ang kalihim na walang direktang utos si Pangulong Duterte sa DILG o PNP na kumuha muna ng clearance sa Palasyo bago magbanggit ng mga pangalan ng mga indibidwal na nasa narco list.

Sinabi rin ng kalihim na hindi na kailangan pang sabihan ang DILG o PNP na mag-ingat sa paglalagay ng mga pangalan sa drug list dahil alam na ng mga ito ang kanilang trabaho.

YOU MIGHT ALSO LIKE