“Exercise Sama-sama 2021” ng Pilipinas, US, Japanese, at French Navy, inilunsad
October 13, 2021 , 8:44 am

Inilunsad ng Philippine Navy sa pamamagitan ng Naval Forces Northern Luzon ang “Exercise Sama-Sama 2021.”

Sinaksihan ito ni Philippine Navy flag officer-in-command Vice Admiral Adeluis Bordado kasama ang mga opisyal ng US Navy, Japanese Navy at French Navy.

Ang “Exercise Sama Sama” ay ang ikaapat sa serye ng taunang pagsasanay ng Philippine Navy kasama ang US Navy.

Sa pagkakataong ito, ay magiging observer ang Japanese at French Navy.

Ito ay “reconstitution” ng Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) na nakatuon sa transnational crime, counter-terrorism, anti-piracy at anti-narcotics training.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Bordado ang pagsasama-sama upang matamo ang iisang adhikain.

Umaasa naman si Bordado na ang ehersisyo ay magiging daan sa mas pinalawak na “Regional cooperation” agenda sa hinaharap.

YOU MIGHT ALSO LIKE