Halos 60% ng PNP, naisailalim na sa RT-PCR test
By Leo Sarne - April 8, 2021 , 6:32 pm

Nasa 129,228 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) o 58.87 percent ng kanilang buong pwersa, ang naisailalim na sa RT-PCR COVID-19 test.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, bahagi ito ng pagsulong ng mass-testing ng PNP para ma-detect agad ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay, at ma-isolate agad ang mga ito.

Sa ngayon, ay 16,614 na ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 13,978 ang naka-recover, 2,596 ang aktibong kaso, at 40 ang nasawi.

Samantala, 1,154 na tauhan ng PNP ang nakakumpleto na ng ikalawang turok ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Eleazar, ito ay mula sa 4,519 nilang tauhan na nakatanggap ng first dose ng vaccine.

Sa bilang na ito, 2892 ang tinurukan ng Sinovac vaccine, habang 1627 ang tumanggap ng Astra-Zeneca vaccine.

YOU MIGHT ALSO LIKE