“Insanity” defense ng kampo ng pulis na si Jonel Nuezca, dapat paghandaan ng prosekusyon
By Kathleen Jean Forbes - January 14, 2021 , 10:41 pm

Dapat paghandaan ng prosekusyon ang posibleng paggamit ng ‘insanity’ bilang depensa ng kampo ng pulis na si Jonel Nuezca ayon kay Iligan Rep. Frederick Siao.

Ayon sa mambabatas, matapos ang inihaing not guilty plea ng kampo ni Nuezca, hindi malayong gamitin nito ang insanity defense upang mapababa ang kaso.

Si Nuezca ang pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay ng mag-inang Gregorio sa Tarlac na kanyang nakaalitan.

Diin ng kinatawan, hindi maaaring palusutin ng prosekusyon ang posibleng pagdepensa ng kampo ni Nuezca na nagdilim ang paningin nito kaya nagawa ang krimen.

Matibay na ebidensya ayon kay Siao ang video kung saan makikita si Nuezca na sa kabila nang pag-mamakaawa ng mag-ina ay binaril pa rin ang mga ito.

Dagdag naman ng kongresista ang insanity defense ang pinakamahirap na depensa na maaaring gamitin ng isang akusado dahil may istriktong panuntunan na pinagbabatayan ang mga hukom para ito ay tanggapin.

YOU MIGHT ALSO LIKE