!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
JTF Sulu, nagsagawa ng follow up operations para matunton ang 5 Indonesian fishermen na kinidnap ng ASG 
By Leo Sarne - January 22, 2020 , 5:58 pm

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up operations ang Joint Task Force Sulu para matunton ang lokasyon ng limang Indonesian fishermen na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa karagatan ng Sabah, Malaysia.

Iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Filemon Santos sa isang press conference sa Camp Aguinaldo na narekober ng JTF Sulu ang speedboat na ginamit umano ng ASG sa pag-kidnap ng limang Indonesian fishermen.

Ayon kay Santos, ang narekober na speedboat sa Sulu ay kinilala ng tatlong Indonesian crewmen na siyang ginamit sa pagdukot sa kanilang limang kasamahan.

Kumpirmado na rin aniyang ASG ang dumukot sa mga mangingisda dahil sa napatay na ASG member sa operation ng militar kung saan narekober ang speedboat.

Dagdag ni Santos, may isa pang ASG ang napatay sa follow up operations ng militar pero wala pa rin aniyang kumpirmasyon sa lokasyon ng mga dinukot na mangingisda.

Enero 16 ng dukutin ng ASG ang lima sa walong Indonesian fishermen na sakay ng isang Malaysian fishing vessel, sa karagatan ng Sabah, Malaysia malapit sa border ng Pilipinas.

YOU MIGHT ALSO LIKE