!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kiangan Hall sa Camp Crame, inilaan bilang quarantine area
By Leo Sarne - March 27, 2020 , 5:16 pm

Inilaan ng Philippine National Police (PNP) ang 53 kwarto sa Kiangan Hall na nasa loob ng Camp Crame, bilang quarantine area para sa mga pulis na tatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, na ang mga pasyente ay ititira sa 20 kwarto sa second floor at 33 kwarto sa 3rd floor.

Habang ang mga nalalabing kwarto ng gusali sa unang palapag, ay ilalaan bilang quarters ng health worker gaya ng mga doktor, attendants at nurse.

Samantala, ang mga pulis na person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM), ay tatanggapin sa mga itinayong quarantune tent at hindi sila ihahalo sa mga may sakit.

Tiniyak naman ni Cascolan, na safe ang kampo dahil sa ginagawa nilang safety measures.

Halimbawa aniya ang ginagawang disinfectation ara-araw sa bawat tanggapan ng Headquarters Support Service.

Habang ang mga miyembro naman ng Health Service ang umaasiste sa mga pulis na may idinadaing na karamdaman.

YOU MIGHT ALSO LIKE